Jessy Mendiola, flattered na isa sa ikinukonsidra sa remake ng ‘Darna’

Itinanggi ng actress na si Jessy Mendiola ang napabalitang siya ang papalit kay Angel Locsin sa pagganap ng remake character ng Pinoy comic super heroine na “Darna.”

Ito ay matapos lumikha ng ingay sa social media ang kaniyang instagram post sa isang beach na kung saan kitang-kita ang kaniyang sexy figure.

Ayon kay Jessy, walang pakahulugan ang kaniyang larawan ukol sa nasabing role at iginiit na sa tingin niya ay normal lamang ito lalo na’t siya ay nasa bakasyon.

Inamin ng aktres na flattered at kinikilig siya at nag-abot pa ng pasasalamat sa mga fans na ikinukonsidera siyang gumanap sa iconic role.

Dagdag pa ni Mendiola, kahit sinuman ang mapili bilang “Darna” ay dapat na sumailalim sila sa proper training dahil hindi maiiwasan ang mga bashers na magkumpara.

Speak Your Mind

*