Jessy Mendiola, mas kinakabahan umano sa pagpapatawa

Aminado si Jessy Mendiola na kabado siya sa paggawa ng comedy kung saan makakasama ang aktres sa Banana Sundae na dating Banana Split Extra Scoop simula ngayong linggo.

Ayon kay Jessy, kung sa iba mas mahirap ang drama sa comedy pero para sa kanya mas mahirap ang comedy kaysa drama kasi kailangan mo silang patawanin.

Hindi pa raw alam ng dalaga kung paano siya makikipagsabayan sa galing magpatawa ng original cast ng show katulad nina Angelica Panganiban, John Prats at marami pang iba.

Samantala, nagsimula na kagabi sa primetime bida ng kapamilya network ang teleseryeng “You’re My Home” kung saan kabilang din si Jessy.

Speak Your Mind

*