John Arcilla, umaasang mapapasama sa Oscars ang Heneral Luna

UMAASA si John Arcilla na magpatuloy pa ang tagumpay ng pelikulang Heneral Luna para mapansin ng American Communities lalo ng mga Oscar Award Voters.

Ayon kay John isang malaking karangalan kung mapapasama bilang isa sa mga nominado ng 88th Academy Awards ang pelikulang Heneral Luna sa kategoryang Best Foreign Language Film.

Tuloy–tuloy aniya ang tagumpay ng Heneral Luna sa Amerika at nakipagsabayan sa ibang Hollywood Films.

Pinuri rin ng Los Angeles Times si John sa kanyang pagganap nilang si Heneral Antonio Luna.

Mababatid na ilang box office records na rin ang nalagpasan ng historical film na Heneral Luna sa bansa at nakapagtala ng highest grossing Filipino Indie Film na kumita na ng P400 million pesos.

Speak Your Mind

*