Jordan Clarkson, pinalalakad na ang mga papeles para makabilang sa Gilas

Nanawagan ngayon ang Samahan ng Basketbol ng Pilipinas (SBP) kay Jordan Clarkson na kumpletuhin na nito ang kanyang clearances mula sa governing body ng FIBA, NBA at sa Los Angeles Lakers para makapaglaro ito sa national team para sa Olympic Wildcard Qualifiers.

Ayon kay SBP Director Sonny Barrios, kinakailangan ng Gilas ang talento ni Clarkson sa laro at ang offensive stretch na maibibigay nito sa National Squad.

Malaking bentahe rin aniya sa SBP ang maagang pagtatapos ng NBA 70th season bago magsimula ang qualifying games.

Sa ngayon ay kinukumpleto pa rin umano ng SBP ang mga hinihinging dokumento ng FIBA Executive Committee bago ang nakatakdang meeting sa Nobyembre 23-24 upang pumili ng host cities sa naturang torneyo.

Speak Your Mind

*