Junjun Binay, nakapuntos sa unang round ng kaniyang laban sa Korte Suprema

Nakapuntos ang suspendidong si Makati City Mayor Jejomar Erwin Binay Jr. sa unang round sa Korte Suprema.

Ito’y bunsod ng desisyon ng Supreme Court na nagpapatibay sa kapangyarihan ng Court of Appeals sa mga kasong may kinalaman sa mga kautusan at desisyon ng Office of the Ombudsman.

Batay sa desisyong ito ng mataas na hukuman, balido ang Temporary Restraining Order at Writ of Preliminary Injunction na ipinalabas ng CA na pumipigil sa pagpapatupad ng unang preventive suspension na ipinalabas ng ombudsman laban kay Binay.

Ang desisyon ng Supreme Court na isinulat ni Justice Estela Perlas Bernabe ay nagbabasura sa petisyon ni Ombudsman Conchita Morales laban sa TRO at Writ of Preliminary Injunction ng C-A.

Una rito, humingi si Binay ng reconsideration sa desisyon ni Morales na tanggalin siya sa puwesto.

Speak Your Mind

*