Kampo ni Sen. Poe, hiniling na palawigin ng sampung araw ang paghahain ng counter affidavit

Hiniling ng kampo ni Senador Grace Poe-Llamanzares sa Law Department ng Commission on Elections (Comelec) na palawigin ng sampung araw ang paghahain nila ng counter affidavit kaugnay sa kinakaharap na disqualification case.

Ayon sa abogado ni Poe na si Atty. George Garcia, hiniling nila na maisumite ang kanilang counter affidavit sa Nobyembre a-tres sa halip na bukas, Nobyembre a-tres.

Paliwanag ni Garcia na hindi nila layon ang ipagpaliban ang disqualification case na kinahaharap ng kanyang kliyente bagkus kailangan lamang nilang paghandaan ng mabuti ang kanilang ihahain na counter affidavit.

Samantala, base sa impormasyon na nakarating sa kampo ni Poe ay pinayagan naman ang kanilang hiling na 10 day extension period ng hearing officer ng Comelec.

Speak Your Mind

*