Kathniel, nag-uwi ng maraming tropeo sa Push Awards

Nanguna sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla sa kauna-unahang Push Awards  sa Resorts World Manila kung saan kinilala ng push.com.ph ang mga pinakasikat at pinakamaimpluwensyang stars online.

Nagwagi ang Pangako Sa ‘Yo Stars sa lahat ng Group/Tandem Categories sa Digital Media Awards na Pushlike Most Liked Group/Tandem, Pushtweet Favorite Group/Tandem, Pushgram Most Loved Group/Tandem at Pushplay Best Group/Tandem, pati na ang Push Elite Group/Tandem of the Year.

Nakuha rin ng Kathniel ang pinakamataas na bilang ng mga boto sa individual categories, kabilang na ang Pushtweet Favorite Female Celebrity, Pushgram Most Loved Female Celebrity at Awesome Selfie Queen para kay kathryn, at ang Push Elite Male Celebrity of the Year at Pushplay Best Male Celebrity para kay Daniel.

Samantala, kasama rin sa major winners si Yeng Constantino, na pinangalanang Pushtweet Favorite Music Artist, Pushgram Most Loved Music Artist at Pushplay Best Music Artist at si Maine Mendoza, na natamo ang Awesome Lip Sync Performance, Pushplay Best Newcomer at Push Elite Newcomer of the Year.

Speak Your Mind

*