Katuwang kampanya kontra illegal na droga, binibigyan ng parangal – Urdaneta PNP

Kinumpirma ng Urdaneta City Police na malaki ang naitutulong ng barangay officials sa kampanya kontra droga.

Ayon kay Police Inspector Rea Tacderan, ang Information Officer ng Urdaneta City PNP ang mga opisyales ng barangay ang nagbibigay impormasyon sa kapulisan ng nagaganap na aktibidades ng mga sangkot sa illegal na droga sa kanilang lugar.

Bilang pagkilala naman sa kanilang pagtulong ay binibigyan ng police ng parangal ang mga ito, partikular ang mga kasama sa paghuli sa mga lumalabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Sinabi ni Tacderan sa sonshine radio na isang barangay captain sa siyudad ang tatlong beses nang nakahuli ng mga sangkot sa operasyon ng illegal na droga sa kanyang lugar, at isa na ito sa binigyan na nila ng parangal.

Pinapaigting ng police ang pakikipag-ugnayan sa barangay officials dahil sila ang unang nakakakilala sa mga tao sa sakop nilang lugar.

Speak Your Mind

*