KC Concepcion, kinilala bilang Outstanding Filipino-Americans

Sa halip na maki-halloween party si KC Concepcion nu’ng October 31, ginugol niya ang oras sa Carnegie Hall kung saan ginanap ang Outstanding Filipino-Americans New York Awarding.

Tumanggap kasi si KC ng award bilang Outstanding Filipino-American dahil sa pagtulong niyang labanan ang gutom sa kapuspalad, sa ilalim ng World Food Program ng united nations kung saan ambassadress siya.

Ang award ni KC ay nasa ilalim ng Special Humanitarian Category.

At sa kanyang message, nagpasalamat si KC sa kanyang award, kasabay ang pagbabalik-tanaw niya nu’ng bata pa siya habang minamasdan lang niya ang UN Headquarters.

Ikinatuwa naman ito ng mga followers niya sa social media, anila hindi man visible sa TV ngayon ang aktres, nabibigyan naman ito ng International Award para sa kanyang advocacy na makatulong sa mga mahihirap.

Speak Your Mind

*