Kim Chiu, natuto daw kay Kris Aquino mag-ipon ng pera at mag-negosyo

Masaya daw ang aktres na si Kim Chiu kahit alam niyang hindi siya makakapasyal kasama ang pamilya sa darating na kapaskuhan.

Ito ay dahil magiging busy siya sa ginagawa niyang movie na All You Need is Pag-Ibig (AYNIP) kasama sina Kris Aquino, Bimby, Derek Ramsay, Ronaldo Valdez, at marami pang iba.

Nagpapasalamat si Kim kay Kris dahil sinama siya sa movie kung saan ito na ang kanyang pangatlong metro manila film festival na ang pinaka-last pa niyang ginawa ay six years ago pa.

Masaya rin ang Chinita Princess dahil marami raw siyang natutunan sa kanyang ate Kris tulad ng pagkakaroon ng negosyo kung saan mayroon na siyang Bakery, RTW, at Bridal Gown Store.

Nagpapasalamat din si Kim sa friendship at sa mga advice na nakukuha niya sa TV Host/Actress lalo na ang pag-iipon ng mga kinikita niya sa kanyang career.

Speak Your Mind

*