Kobe Bryant, gustong maglaro uli sa 2016 Rio De Janiero Olympics

Nagpahayag ng interes si five time NBA Champion at Los Angeles Lakers Stalwart Kobe Bryant na magsuot muli ng USA Team Jersey at maglaro uli sa 2016 Rio De Janiero Olympics.

Ani Bryant, nais pa niya ng isa pang gold medal bago man lamang siya magretiro sa mga darating na taon.

Titiyakin din aniya ni Bryant na nasa good playing condition ito bago paman magsimula ang practice sessions ng US National Pool.

Malaking bentahe din aniya ang kaniyang experience sa mga Olympic Leauge na maibabahagi niya sa mga baguhang usa players.

Nabatid na unang inalok kay bryant ang mapabilang sa lineup ng US para sa FIBA Olympics noong agosto pa lang ngunit tinanggihan niya ito.

Kung makakasali sa Rio Line Up, umaasa si Kobe ng pangatlong gold medal sa kabuuan ng kanyang basketball carreer matapos ito maging parte ng championship squad noong 2008 Beijing Games at 2012 London Games.

Speak Your Mind

*