Kobe Bryant, inanunsyo na ang pagreretiro sa NBA

Inanunsyo na ni 5-time NBA champion Kobe Bryant ang nakatakdang pagretiro sa pagtatapos ng 2015-16 season.

Ito ang inanunsyo ni Bryant sa kaniyang ginawang tula sa “The Players Tribute.

Ayon kay Bryant, bagaman gusto pa ng kaniyang puso ang paglalaro ng basketball, ang katawan na mismo niya ang nagsasabing kailangan ng magpahinga sa NBA.

Si Bryant ang third leading scorer sa NBA at youngest player sa kasaysayan ng NBA na nakapagtala ng 30,000 career points.

Siya rin ang naging susi para masunggit ng La Lakers ang kanilang five-time championship sa NBA sa taong 2000, 2001, 2002, 2009 at 2010.

Ang 17-time All-Star ay dalawang beses ding naging NBA scoring champion at two-time Olympic gold medal winner para sa US Team.

Speak Your Mind

*