Kopunan, hinimok ni Gov. Espino na lampasan ang dating standing record

Hinikayat ni Gov. Amado Espino Jr. ang Team Pangasinan na sasabak sa Batang Pinoy (Bp) National Games na lampasan ang kanilang dating standing sa nasabing palaro.

Ito ang bahagi ng mensahe ng gubernador sa isinagawang send-off ceremony kahapon para sa Team Pangasinan na binubuo ng 90 atleta na makikipaglaro sa Cebu City mula November 27 hanggang December 2.

Tiwala si Espino na sapat ang kakayahan ng mga batang pangasinenses na sasabak sa national games dahil dumaan ang mga ito sa puspusang pagsasanay sa tulong ng provincial government mula November 13 hanggang 22.

Sa nakaraang apat na taon, naging kahanga-hanga ang performances ng team Pangasinan sa BP National Games na dinadaluhan ng daan-daang lokal na pamahalaan sa buong bansa.

Kabilang dito ang naganap na BP National Games noong 2011 na nasa 18th place ang Team Pangasinan, 12th place naman sa 2012, 11th noong 2013 at ninth place noong nakaraang taon.

Speak Your Mind

*