Kris Aquino, aminadong nahirapang pumili ng mga performer sa APEC

Inamin ng actress na si Kris Aquino na totoong nahirapan siya na pumili nang mga performers para maging bahagi nang inihandang programa para sa Luncheon nang mga asawa nang mga World Leaders nang gaganaping APEC Summit sa susunod na linggo.

Si Kris at ang kaniyang mga kapatid na babae ang naatasan para maghanda nang programa sa luncheon nang mga asawa nang delegado.

Labis-labis naman ang pasasalamat nang mga artistang napili para makasama ni Kris sa dalawampung minutong programa para sa naturang okasyon.

Makakasama ng Presidential Sister bilang co-host sa nasabing programa sina Derek Ramsey at Matteo Guidicelli.

Gagawin naman ni Ogie Alcasid, Erik Santos at Angeline Quinto ang Broadway Tunes and Medley bilang mga performers.

Inamin ni Kris na marami siyang mga pangalan nang mga artista na napabilang sa shorlist nilang magkakapatid na dapat ay magpe-perform sa naturang event, ngunit naging mahigpit umano ang Department of Foreign Affairs (DFA) sa pagpili kung sino lang ang mga magtatanghal.

Speak Your Mind

*