Kulungan na guguwardiyahan ng mga buwaya, balak itayo sa Indonesia

Ipinanukala ng Anti-Drug Agency na magtayo ng isang piitan sa isla na napaliligiran ng mga buwaya, upang wala nang makatakas na drug convicts na nakalinya sa death row sa Indonesia

Naniniwala si anti-Drug Chief Budi Waseso, na mas magiging mabisang taga-bantay ang mga buwaya para hindi makatakas ang mga preso dahil hindi naman nasusuhulan ang mga ito tulad ng mga guwardya.

Nagbabalak na rin mag-ikot sa buong Indonesia si Waseso upang humanap ng pinaka-mababangis at matatapang na buwayang maaaring ilagay sa pinaplanong kulungan.

Kinumpirma rin ng tagapagsalita ng kanilang Anti-Drugs Agency na pinag-iisipan na ng mga otoridad ang pagtatayo ng hiwalay o espesyal na piitan para lamang sa mga drug traffickers upang hindi na sila makapag-recruit pa ng iba pang mga preso.

Speak Your Mind

*