Labi ng mga biktima sa bumagsak na eroplano sa Egypt, dumating na sa Russia

Dumating na sa Russia ang ilang mga labi nang biktima sa pagbagsak nang isang eroplano na Airbus A321 sa sinai peninsula sa Egypt na ikinasawi nang dalawandaan at dalawampu’t apat na mga pasahero.

Nauna nang dumating sa St. Petersburg ang labi nang isandaan at apatnapu’t apat na biktima.

Ayon sa Russian Investigators, masyadong maaga pa para gumawa nang konklusyon sa pagbagsak nang flight 9288 Airbus A321.

Nauna nang ipinahayag nang ilang militanteng grupo na konektado ang ISI sa pagbagsak nang naturang eroplano.

Mahigpit naman itong itinatanggi nang Egypt.

Samantala, umiiwas munang dumaan sa Sinai Peninsula ang ilang airline.

Speak Your Mind

*