Land preparation sa mga sakahan na sakop ng NIA-Pangasinan, nag-umpisa na

Kinumpirma ng National Irrigation Administration (NIA) na nag-umpisa na kahapon ang paghahanda ng pagtataniman ng mga magsasaka sa Zone III.

Sakop ng ZONE III ang bayan ng Laoac, Manaoag, Malasiqui, Sta. Barbara, Mangaldan at Mapandan.

Ayon kay Engr. Sergio Martinez, ang hepe ng Agno-Sinucalan River Irrigation System na ang land preparation sa nasabing lugar ay matatapos sa November 22.

Susunod na dito ang pinaka-kritikal na stage ng palay na transplanting na mag-uumpisa sa December 7 hanggang December 13.

Sinabi ni Martinez na ang terminal drainage o pagpapahinto ng tubig sa Zone III ay umpisa February 29 at matatapos sa March 5, 2016.

Paalala pa rin ng nia sa mga magsasaka sa mga nabanggit na lugar na samantalahin ang pagkakataon habang nagsusuplay pa ng tubig ang NIA.

Speak Your Mind

*