Lebron James, pinunit ang suot na manggas ng kanyang jersey

Nagalit at sinadyang punitin ni Cleveland Cavaliers Superstar Lebron James ang mga manggas o sleeve ng kanilang bagong uniporme sa naging laro nito kontra New York Knicks ngayong araw.

Ayon kay James, hindi siya nakakagalaw ng maayos sa tuwing tumitira siya at pigil ang stretching ng kanyang shooting arm.

Sinabi ni James na hindi siya sanay magsuot ng sleeved jersey dahil sa sleeveless ang nakagisnan nitong isuot simula ng maglaro ito ng basketball.

At dahil diyan ay tinalo ng Cavaliers ang Knicks sa game showdown nila James at ang karibal nitong si Carmelo Anthony.

Hindi umubra ang 17 points na naitala ni Carmelo Anthony ng Knicks sa 23 point si James at 22 points ni Mo Williams.

Speak Your Mind

*