Mga turista, na-stranded sa pagputok ng bulkan sa Indonesia

Nagdulot ng pagka-aberya sa lilu-libong turista ang pagputok ng Mount Rinjani sa Indonesia na dahil napilitang isara ng mga otoridad ang Bali at Lombok airports.

Nabatid na nagsimulang sumabog ang Mount Rinjani sa Lombok Island noong nakalipas na linggo kung saan nagdulot ito ng pagbuga ng abo at debris sa layong 3,500 metro sa kalangitan.

Sinabi ni Sutopo Purwo Nugroho, tagapagsalita ng National Disaster Mitigation Agency, isinara ang mga paliparan kung saan aabot sa 692 international at domestic flights ang naapektuhan.

Isinara rin ng Indonesia ang Ngurah Rai International Airport na nasa sikat na Bali resort island.

Pinayuhan din ng mga awtoridad ang mga airline companies na umiwas muna sa pagdaan sa nasabing mga bundok.

Speak Your Mind

*