Libreng WiFi connection at live streaming, isinagawa sa ilang sementeryo sa lungsod ng Alaminos

Hanggang ngayong araw ay mayroong libreng WiFi connection sa Public at Catholic Cemetery sa lungsod ng Alaminos.

Ang libreng WiFi ay handog ng lokal na pamahalaan at ang namahala naman ay ang City Information Office at Management Information System Office (MISO).

Sinabi ni Daniel Legaspi, ang OIC ng MISO. na  maraming mga natuwa sa handog nilang libreng WiFi, gayundin sa live streaming.

Malaking tulong ang live streaming sa mga nasa ibang lugar dahil makikita nila ang puntod ng kanilang mga kaanak kahit hindi man nakauwi ang mga ito sa lungsod.

Speak Your Mind

*