Liderato ng senado, tiniyak na maipapasa ang 2016 National Budget

Tiniyak ni Senate President Franklin Drilon sa palasyo ng Malakanyang na maipapasa ng senado ang 2016 National Budget bago magtapos ang taon.

Sinabi ni Drilon na maipapasa ng senado ang 2016 National Budget sa itinakdang iskedyul nito para hindi madiskaril at maihatid sa tamang oras ang mga serbisyo ng pamahalaan sa susunod na taon.

Dagdag pa nito na agad  sisimulan ng senado ang kanilang deliberasyon sa panukalang pundo sa pagbubukas ng kanilang sesyon sa bukas dahil natanggap na nila ang  2016 General Appropriations Act na bersyon ng  House of Representatives matapos pumasa sa ikatlong pagbasa noong Oktubre 9.

Umaasa ang palasyo na maipapasa ang panukalang pundo bago magtapos ang kasalukuyang taon para maisakatuparan ang mga proyektong pinaglaanan ng pundo sa susunod na taon.

Speak Your Mind

*