Liz Uy, sinampahan ng kaso ang isang Fashion Pulis blogger

Nagsampa na ng kasong libel at grave slander ang Celebrity stylist na si Liz Uy laban sa isang Fashion Pulis blogger.

Ito ay kaugnay ng blog at social media post ni Michael Sy Lim na umano’y pinagsuot ni Liz si Maine ‘Yaya Dub’ Mendoza ng isang ‘recycled gown’ at ‘same jacket’ sa benefit concert na “Tamang Panahon” ng Eat Bulaga noong nakaraang buwan.

Dahil ditto, pormal ng isinumite kahapon ni Liz ang kaniyang P11-M online libel, grave slander sa sala ni Prosecutor Benjamin Vermug Jr. ng Makati City Prosecutor’s Office laban kay Lim.

Iginiit ng Celebrity stylist y, mali na basta basta na lamang nag-aakusa si Lim ng hindi ito nagfa-fact check.

Idinagda pa ni Liz, ipinaglalaban lamang niya ang kaniyang karapatan lalo pa’t alam niya ang tama at totoo.

Speak Your Mind

*