LTO, itinigil na ang paghingi ng NBI at Police Clearance sa drivers license

Pag-aaralan muna ng Land Transportation Office ang kanilang patakaran kaugnay sa mga bagong requirements para makapag-renew ng drivers license.

Ito ay sa kabila ng suspensyon ipinataw ng Department of Transportation and Communications sa nasabing lto order.

Nilinaw rin ni Salvador na sinuspinde na ng LTO ang paghingi ng NBI at Police Clearance para sa pagre-renew ng mga lisensya.

Humingi rin ito ng paumanhin sa nangyaring kalituhan sa mga kumuha ng lisensya sa kanilang tanggapan kahapon matapos ituloy ng lto ang pagkuha ng nasabing mga requirements sa kabila ng suspensyon ng DOTC.

Speak Your Mind

*