Makakalaban ni Manny Pacquiao, nakatakdang ihayag na ni Bob Arum

Ipa-finalize ni Top Rank Promotions President Bob Arum sa susunod na linggo kung sino ang magiging pinakahuling laban ng Filipino World Eight-Division Champion Manny Pacquiao sa Abril 9, 2016.

Sa isang panayam, sinabi ni Pacquiao na magpupulong sila ni Arum sa Nobyembre 15 sa Israel para pag-usapan ang kanyang laban.

Nasa Dubai, United Arab Emirates si Pacquiao para sa laro ng kanyang mahindra sa alaska ngayon sa official game ng 2015 PBA Philippine Cup.

Ang mga maaaring sagupain ni Pacquiao ay sina British Star Amir Khan, Timothy Bradley, Jr., Terence Crawford at Danny Garcia.

Speak Your Mind

*