Mamamayan, pinayuhan ng health expert kaugnay ng food poisoning

Nagbigay babala naman ang health expert para makaiwas sa pagkalason o food poisoning lalot papalapit na ang kapaskuhan at tiyak na maraming mga handaan.

Payo ni Dr. Ophelia Rivera, ang Municipal Health Officer ng bayan ng Mangaldan na ang natirang pagkain na inilagay sa refrigerator ay ugaliing tikman at amuyin bago kainin.

Kung hindi na ito pareho sa dating lasa o maasim na ay huwag nang kainin, gayundin kapag may bumubula  o inaamag na.

Ang mga kadalasang madaling mapanis na pagkain ay ang mga may halong gatas at mga may sarsa.

Kadalasan aniya na nabibiktima ng food poisoning ay ang mga bata at senior citizens dahil hindi na maganda ang kanilang immune system.

Sinabi ni Dr. Rivera na dapat ay ugaliin din ang proper hygiene at proper food handling sa pagluluto.

Tiyakin na kapag magluluto ay malinis ang kamay, pakuluan ang mga sandok at kubyertos, kinakailangan na sariwa ang lulutuing gulay, karne at isda.

Speak Your Mind

*