Marian Rivera, hindi nagsisisi sa labin walong oras na panganganak

Hindi pinagsisisihan ng aktres at ngayon ay isa nang ganap na ina na si Marian Rivera, ang halos labing walong oras na proseso nang labor bago ipanganak ang kanilang unang baby nang asawang si Dingdong Dantes.

Nagpapasalamat din si Marian dahil naging normal ang delivery ng kaniyang panganganak sa panganay nila ni Dong.

Ayon kay Marian, sulit ang kaniyang paghihirap nang masilayan na nilang mag-asawa si Baby Maria Letizia.

Hindi maitago at maipaliwanag ni marian ang kaniyang katuwaan habang tinititigan ang cute na cute na si Baby Z.

Excited namang nag-aabang ang mga tagahanga nang mag-asawa para makita sa unang pagkakataon ang litrato ni Baby Z.

Speak Your Mind

*