Marian Rivera, ibinandera ang baby bump sa isang glossy magazine

Ibinandera ni Marian Rivera ang kanyang baby bump sa isang glossy magazine.

Kumalat sa social media ang mga litrato ng misis ni Dingdong Dantes sa Esquire Philippines kung saan makikita siyang nakaitim na bra at kitang-kita ang malaking tiyan.

Puro papuri naman ang nakuha ni Marian mula sa netizens dahil kahit buntis na ito ay makikita kung gaano ito ka-sexy, ka-flawless at walang stretch marks.

Ganunpaman, may konting bashers at haters din ang lumabas dahil sa diumano’y negative ang dating na nagpa-pictorial at nag-cover pa si Marian, gayong ang laki na ng tiyan nito.

Samantala, super excited naman na daw ang mag-asawang Marian at Dingdong dahil malapit na nilang masilayan ang kanilang Baby Letizia o si baby Maria Letizia Gracia Dantes.

Speak Your Mind

*