Mariel Rodriguez, naka move-on na sa miscarriage.., balik trabaho na

Mukhang tuluyan ng naka-move on si Mariel Rodriguez-Padilla mula sa kanyang malungkot na pinagdaanan na miscarriage noong buwan ng August.

Ito’y matapos ang kanyang pagbabalik-telebisyon kung saan siya ang third celebrity house guest ng Pinoy Big Brother 737.

Nabatid na mula nung makunan si mariel ay hindi na ito nagpakita sa kahit na anong show maging sa kanyang show sa TV5 na Happy Truck ng Bayan.

Sa panayam ni Toni Gonzaga, sinabi ni Mariel na mixed emotion, excited, nervous at sa kabuuan ay masaya siya sa muling pagbabalik sa bahay ni Kuya.

Matatandaang silang tatlo nina Toni at Bianca Gonzales ang original hosts ng PBB at nagbiruan sila na may mga dash na ang pangalan nila ngayon, si Mariel ay Rodriguez-Padilla na, si Toni ay Gonzaga-Soriano na at si Bianca ay Gonzales-Intal na.

Speak Your Mind

*