Mayor Duterte, posibleng dumulog sa korte suprema kaugnay sa kanyang kandidatura

Pinag-aaralan at pinaghahandaan na ng Partidong PDP-Laban ang pagdulog sa korte suprema, sakaling hindi payagan ng Commission on Elections na makatakbo bilang pangulo sa 2016 elections si Davao City Mayor Rodrigo Duterte.

Ayon kay Martin Dino na nag-withdraw ng kaniyang candidacy para sa pagkapangulo, isinasapinal na lang ng partido ang nasabing plano.

Inihayag ni Dino na si Duterte ang magiging opisyal na kandidato ng partido o kanyang substitute at ito ay ihahain bago ang december 10 na deadline ng Comelec.

Sa ngayon inihahanda na lamang ng kanilang kampo ang ihahaing mosyon sa korte suprema sakaling kwestyunin ng Comelec ang pagtakbo ni Mayor Duterte bilang kapalit ni Dino sa 2016 elections.

Speak Your Mind

*