Mayor Rodrigo Duterte, nanguna sa pinakahuling survey ng Pulse Asia

Nangunguna si Davao City Mayor Rodrigo Duterte sa pinakahuling survey ng Pulse Asia.

Lumabas sa survey na nakakuha si Duterte ng 34 percent, ikalawa si Senador Grace Poe na may 26 percent, ikatlo si Vice-President Jojo Binay na 21 percent.

Habang nangungulelat naman ang pambato ng adimnistrasyon na si dating DILG Sec. Mar Roxas  na may 11 percent.

Isinagawa ang survey sa National Capital Region simula November 11 hanggang 15.

Subalit dinedma lamang ng Malakanyang ang pangungulelat ni Roxas sa survey.

Ayon kay Presidential Spokesperson Sec. Edwin Lacierda, hindi pa niya nakikita ang resulta ng Pulse Asia at kung official ba ang lumabas na survey.

Speak Your Mind

*