Mayweather, pinatutsadahan si Pacquiao sa panggagamit ng kanyang pangalan

Muling iginiit ni Floyd Mayweather jr., na wala siyang balak na labanang muli si Manny Pacquiao sa susunod na taon kaya’t ang pagbanggit ang kanyang pangalan ng Filipino boxing superstar ay para makuha lamang ang interes ng publiko.

Nabatid na dalawang beses binanggit ni Pacquiao ang pagkakaroon ng negosasyon sa pagitan ng kampo ni Mayweather para sa isang rematch sa 2016.

Maski si Bob Arum ng Top Rank Promotions ay nagulat sa pahayag ng Filipino world eight-division champion.

Sinabi ni Arum na hindi na mangyayari ang rematch nina Pacquiao at Mayweather dahil nagretiro na ang American world five-division titlist noong Setyembre matapos talunin si Andre Berto at mapantayan ang record na 49-0-0 win-loss draw card ni heavyweight legend Rocky Marciano.

Speak Your Mind

*