Mga baril na nag-lapsed na ang lisensya, dapat isuko sa otoridad

Dapat isuko sa otoridad ang mga baril na nag-lapsed na ang lisensya.

Ito ang binigyang diin ni Atty. Raymund Bautista ng Aces Law Firm sa lungsod ng Dagupan sa panayam ng sonshine radio dahil maikukunsidera ang baril na loose firearm o unlicensed firearm kung pumaso na ang lisensya.

Giit ng abogado na kapag wala namang lisensya ang hawak na baril at wala ring serial number gaya ng paltik, ito ay ikinukunsiderang loose firearms.

Payo ni Atty. Bautista na dapat dalhin ang mga nabanggit na baril sa pinaka-malapit na istasyon ng pulisya at boluntaryong isuko ang mga armas.

Dagdag ni Bautista na ang pagkakaroon ng baril ay hindi karapatan kundi isang prebilihiyo na ibinibigay ng pamahalaan.

Panawagan ng abogado sa mga pumaso na ang lisensya ng baril na i-renew na ito.

Speak Your Mind

*