Mga delegado ng APEC Summit, mahigpit na babantayan ng pamahalaan kaugnay sa laglag-bala

Mahigpit na babantayan ng pamahalaan ang mga delegado sa APEC Summit laban sa laglag bala sa Ninoy Aquino International Airport.

Siniguro ni Secretary to the Cabinet Jose Rene Almendras na hindi magiging biktima ng laglag-bala ang mga delegado ng APEC Summit.

Ayon kay Almendras, 20 world leader ang nagkumpirma ng pagdalo sa APEC Summit simula sa Nobyembre a-18 sa PICC, kabilang na rito sina US President Barrack Obama at Russian President Vladimir Putin.

Habang hinihintay pa ng Malacañang ang kumpirmasyon ni Chinese President Xi Ping.

Kabilang sa mga miyembro ng APEC ang bansang Australia, Brunei, Canada, Chile, China, Hongkong, Indonesia, Japan, Korea, Malaysia, Mexico, New Zealand, Papua New Guinea, Peru, Russia, Singapore, Chinese Taipei, Thailand, US, Vietnam at Pilipinas.

Samantala naglabas ng abiso ang United Nations (UN) Department of Safety and Security para sa kanilang mga staff na nagtutungo sa pilipinas na mag-ingat dahil sa tanim-bala sa NAIA.

Inalmahan naman ng malakanyang ang paalaalang ito ng United Nations.

Speak Your Mind

*