Mga empleyado ng LGU Calasiao, nakatanggap na ng bonus

Maligaya na ngayon ang mga empleyado ng gobyerno dahil nag-umpisa na nilang matanggap ang kanilang bonus at cash gift.

Sa bayan ng Calasiao, natanggap na ng mga regular at temporary employees ng lokal na pamahalaan.

Payo ni Municipal Budget Officer Letecia Garcia sa mga tumanggap ng bonus na unaahin ang pagbabayad ng utang, kung mayroon man.

Dagdag nito na huwag gumastos ng sobra sa budget.

Kinakailangan aniya na ilista ang lahat ng bibilhin at unahin ang mga prayoridad na bibilhin.

Kapag mayroon pa aniyang sobra sa budget ay saka na lang isunod ang mga iba pang bibilhin.

Sinabi naman ni Municipal Treasurer Chermel Poserio na ang pagbibigay ng cash gift sa mga empleyado ay depende sa savings ng lokal na pamahalaan.

Speak Your Mind

*