Mga pasahero ng Uber Taxi, maaari nang magbayad ng cash

Maaari nang magbayad sa pamamagitan ng cash ang mga pasahero ng Uber.

Ito ay dahil sa sinimulan nang ilatag ng naturang App-Based Transportation Network Company ang kanilang cash option sa Metro Manila.

Dahil dito, ang Pilipinas ang ikalima sa buong mundo at ikalawa naman sa timog-silangang Asya na nagkaroon ng naturang opsyon.

Maaaring makapag-bayad ng cash ang mga gagamit ng serbisyo ng Uber Taxi base na rin sa kanilang kagustuhan.

Inihayag naman ni Laurence Cua, General Manager ng Uber Philippines na sa mga susunod na linggo ay pwede nang magbayad ang lahat ng sasakay sa Uber Taxi.

Speak Your Mind

*