Mga rehistradong botanteng walang biometrics, maari pang makaboto – Comelec

Tiniyak ng Commission on Elections (Comelec) na maaari pa ring makaboto ang mga rehistradong botante na walang biometrics at mga incomplete at corrupted biometrics data sa darating na may 2016 elections.

Ayon kay Comelec Spokesperson James Jimenez, inaayos na ng Comelec ang listahan ng mga botante na walang biometrics kasama ang mga may biometrics subalit kulang ang data information.

Nilinaw ng Comelec na ang mga kailangan pa ring kumpletuhin ng mga rehistradong botante ang kanilang records para sa mga susunod pang eleksyon.

Pagkatapos aniya ng eleksyon at hindi pa naayos ang rekord ng mga botante ay maaari na nilang tanggalin ang mga ito sa registration records of voters.

Speak Your Mind

*