Migrante Middle East tiniyak na walang OFWs na nasaktan sa sunog sa UAE

Walang Pilipinong nasaktan sa nangyaring sunog sa isang residential building sa Deira, Dubai, United Arab Emirates.

Ito’y makaraang kumpirmahin ng Migrante Middle-East matapos nasunugan ang 300 Overseas Filipino Workers (OFWs) na nakatira sa lugar.

Ayon sa nasabing grupo karamihan sa mga OFW ay walang naisalbang gamit sa lugar na tinupok ng sunog.

Gayunpaman patuloy na nag-aayuda ang Migrante AE, maging ng mga Filipino community mula Dubai, Sharja at Abu Dhabi ang mga nasunugang OFWs.

Speak Your Mind

*