Mindanaoan solon, iginiit ang pagsasabatas ng BBL ngayong 16th Congress

Iginiit ng isang Mindanaoan solon na pagkakaisa ang tanging daan upang makamit ang kapayapaan at inclusive growth sa rehiyon.

Bunsod nito kumpiyansa pa rin si House Deputy Speaker Pangalian Balindong na tutugunan ng kapwa nya mambabatas ang  kapalaran ng Bangsamoro Basic Law o BBL sa Kamara.

Hinimok nya ang mga Kongreso na huwag isantabi ang pagkakataon na maging kabahagi upang maibalik ang kapayapaan sa Mindanao.

Dagdag pa ni Balindong na bagamat mistulang wala ng sapat na panahon upang maisabatas ang BBL ngayong 16th congress ngunit kung sila ay may political will madaling maisasakatuparan anya ang matagal nang inaasam na kapayapaan sa Mindanao.

Speak Your Mind

*