Moala Tautuaa, ipinalit kay Andray Blatche sa ensayo ng Gilas Pilipinas

Isinali sa ensayo ng Gilas Pilipinas si Talk ‘N Text Rookie Moala Tautuaa bilang pansamantalang kapalit ni Naturalized-Player Andray Blatche.

Sinabi ni Gilas Coach Tab Baldwin na magiging back up lamang si Tautuaa sakaling hindi payagang makasali si Blatche sa FIBA Olympic Qualifying Rounds sa susunod na taon.

Nagpasalamat din ito dahil sa agad na tinanggap ni Tautuaa ang kaniyang alok na makasali sa ensayo matapos na tawagan niya ito.

Natuwa naman ang Filipino-Tonggan Player dahil nakasama niya ang kaniyang dating mga kasamahan sa Gilas 3.0 Teammates sa Williams Jones Cup.

Speak Your Mind

*