Nadine Lustre, nakakuha ng pinaka-mataas na boto bilang Darna

Pina­kamataas ang nakuhang boto ni Nadine Lustre sa online survey ng isang enter­tainment website tungkol sa aktres na karapat-dapat na kapalit ni Angel Locsin bilang Darna.

Sa dami ng mga bumoto kay Nadine, parang pinakain niya ng alikabok ang ibang mga talent ng Star Magic na puwedeng gumanap na darna sa pelikula.

Ganumpaman, hindi naman tiyak na papayag ang mga producer ng Darna na hindi homegrown talent ang ipapalit nila kay Angel dahil contract star si Nadine ng VIVA Artists Agency at hindi ng Star Magic

Ikinagulat naman ni Nadine ang nakuhang pinakamaraming boto sa online survey dahil walang-wala sa isip niya na puwedeng siya ang gumanap na Darna.

Speak Your Mind

*