Naganap na mga krimen sa Benguet, bumaba ayon sa Provincial Police Office

Bumaba ang insidente ng krimen sa lalawigan ng Benguet.

Ayon kay Supt. Bryan Allatog, ang Hepe ng Investigation at Detective Management Branch ng Benguet Provincial Police Office (BPPO), na bumaba ang krimen sa Benguet noong Setyembre nang ipatupad ang Lambat-Sibat sa Cordillera Region.

Base sa record ng BPPO, sa buwan ng Agosto ay mayroong 160 index crimes, ngunit noong Setyembre ay 98 lamang.

Dagdag nito na ang La Trinidad na capital town ng Benguet ay nakapagtala ng 102 crime incidence noong Agosto at bumaba naman ito sa 69 sa buwan ng Setyembre.

Dagdag ni Allatog na ikinukunsidera rin ng Benguet Police ang suhestyun ni Gov. Nestor Fongwan, na isama ang ratio ng crime incidence kontra sa papolasyon sa susunod nilang report para lalo itong maunawaan at mapahalagahan.

Speak Your Mind

*