Nahuling sasakayan na nakaparada sa Mabuhay Lanes, diretso sa impounding area ng MMDA

Diretso sa impounding area ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang sampung sasakyan na nahuling nakaparada sa Mabuhay Lanes sa Edsa.

Ito’y kasunod na rin ng isinagawang clearing operation ng PNP-Highway Patrol Group bilang paghahanda sa nalalapit na APEC Summit sa Metro Manila.

Tiniyak din ni PNP-HPG Director Chief Superintendent Arnold Gunnacao na wala din silang sasantuhin sa mga sasakyang nakaparada sa mga ipinagbabawal na lugar sa Edsa.

Ani Gunnacao, mahigpit na ipatutupad ang “no parking zone” sa Mabuhay Lanes sa Edsa alinsunod sa resolusyon ng Metro Manila Council.

Speak Your Mind

*