Napiling Most Statistically Developed LGUS, pinarangalan sa Pangasinan

Pinarangalan ang ilang siyudad at bayan sa lalawigan ng pangasinan bilang Most Statistically Developed Local Government Units (LGUS).

Ang pagbibigay parangal ay bahagi ng pagtatapos ng selebrasyon ng National Statistics Month (NSM), buwan ng Oktubre.

Wagi ang lungsod ng Alaminos bilang Most Statistically-Developed LGUS sa city category, gayundin ang Mangaldan sa first and second income class municipality category, habang ang bayan naman ng Bautista ang nanalo sa third to fifth income class municipality category.

Ang mga runner-up LGUS sa nasabing search na inilunsad ng provincial government noong 2013 ay ang mga lungsod ng Urdaneta at San Carlos sa city category.

Sa first and second income class municipal category ay napili ang mga bayan ng San Nicolas at Binalonan, habang sa third to fitfh class municipal category naman ay pinarangalan ang mga bayan ng Tayug at Laoac.

Kasabay ding pinarangalan sa aktibidad ang nanalo sa iba’t ibang pakontes gaya ng oration, poster and slogan, jingle making at statistics quiz.

Samantala. ang tema naman ngayong taon ay “Pagyamanin at Gamitin ang Estatistika, Kalusugan para sa lahat ay abot-kamay na”.

Speak Your Mind

*