New York City, nakakaranas ng pinakamainit na temperatura

Naranasan ng New York City sa Amerika ang pinakamainit na temperatura noong Biyernes na huling naramdaman sa nakalipas na halos 70 taon.

Sa ulat ng Agence France Presse (AFP), umabot sa 74 degrees frahrenheit ang temperatura sa Downtown New York bandang ala-1:37 ng hapon noong nakalipas na Biyernes, Nobyembre 6, isang pangyayaring huling naranasan ng mga tao doon noong pang 1948.

Ramdam na ramdam umano ang init ng temperature dahil umistambay sa mga ice skating rink ang mga kabataan habang ang mga sumasakay sa mga pampublikong transportasyon ay nagsuot na lamang ng mga maninipis na damit.

Speak Your Mind

*