NFA, bumibili ng damaged crop na apektado ng bagyong Lando

Bumibili ng storm damaged crop ang National Food Authority (NFA) bilang tulong sa mga magsasaka na apektado ng bagyong lando ang kanilang mga pananim.

Ayon kay Diony Rivera, OIC Assistant Manager ng NFA-Eastern Pangasinan, bibilhin ng NFA ang palay basta’t hindi lalampas ang moisture content sa tatlumpung porsyento.

Ang storm damaged crop ay agad na ipinapagiling para mapakinabangan pa.

Ang pisikal nitong anyo ay kulay brown na halos kulay putik, iba ang amoy at durog na ang butil.

Gayunman kapag ibebenta ang nadanyos na palay ay mas mura ito kumpara sa dumaan sa normal na pag-aani.

Nabatid na sa Eastern Pangasinan ay 70 porsyento pa ng pananim na palay ang hindi naaani bago ang bagyo.

Tiniyak naman ng NFA-Eastern Pangasinan na sapat pa ang naka-imbak na bigas sa kanilang mga bodega.

Speak Your Mind

*