Nicki Minaj, bumilib sa pagbirit ni Darren Espanto

So effortless, incredible voice!

Ganyan inilarawan ng American Singer-Rapper Nicki Minaj ang boses ng “The Voice” runner-up Darren Espanto.

Naka-post sa facebook page ni Minaj na may mahigit 42 milyong followers ang viral video ni Darren na walang effort sa pag-birit at naka-upo pa habang kinakanta ang “Chandelier” na pinasikat ni Sia.

Sa ngayon, mayroon na itong halos pitong libong like.

Ayon naman kay Darren, hindi parin siya makapaniwala na makakatanggap ng papuri mula sa international singer, dahil sa simula ay pangarap lang niya ang kumanta.

Isa pa sa malaking karangalan ngayon kay Darren ang pagkakapili sa kanya ni umawit ng team song ng APEC Summit na “This is Only the Beginning” na aniyay isang inspiring and encouraging song.

Speak Your Mind

*