NNC, nakatuon ang adbokasiya sa kahalagahan ng nutrisyon

Nakatuon ang National Nutrition Council o Nnc sa pagpapalaganap ng mga adbokasiyang patungkol sa kahalagahan ng nutrisyon sa bawat Pilipino.

Ito ang ipinahayag ni Ana Maria Rosaldo, OIC ng National Nutrition Council  Region 3 sa isinagawang Form at MOA signing kahapon sa DWAY Sonshine Radio.

Sinabi ni Rosaldo na isa sakanilang mga adbokasiya ay maipalaganap ang kahalagahan ng agpapasuso sa mga sanggol  o bresatfeeding na mahalaga sa kalusugan ng mga sanggol mula pagkapanganak hanggang sa panahon  na mayroon pang makukuhang gatas sa dibdib ng ina.

Dagdag pa ni Rosaldo, ang exclusive breastfeeding ang pinakamainam na mapagkukunan ng mahalagang sustansya para sa mga sanggol lalo na sa unang anim na buwan ng mga sanggol.

Dagdag pa ni Rosaldo na mayroong mga priority action ang NNC para maipalaganap ang kahalagahan ng wastong nutrisyon sa bawat Pilipino.

Speak Your Mind

*