“No Bio-No Boto Policy” ng Comelec, kinuwestiyon sa Korte Suprema

Kinuwestyon ng Kabataan Party-List sa supreme court ang iginigiit ng Commission on Elections (Comelec) na “No Bio-No Boto” Policy.

Ayon sa Kabataan Party-List, inaalisan ng karapatan ng naturang polisiya ang mahigit sa tatlong milyong registered voters na walang biometrics na makaboto sa 2016 National Elections.

Inalmahan din ng grupo ang deisyon ng Comelec na tanggalin sa Voters Registration Records ang mga botanteng walang biometrics at hindi makakaboto sa darating na halalan.

Nauna ng iniulat ng Comelec na mahigit pa sa tatlong milyon ang mga Registered Voter na walang Biometrics.

Kasunod nito, inihayag ng Comelec na papayagang makaboto ang mga botanteng may Biometrics ngunit corrupted at incomplete.

Speak Your Mind

*