November 13, special non-working holiday sa Pangasinan

Walang pasok sa mga pampublikong tanggapan ngayong araw, Nobyembre a trese sa lalawigan ng Pangasinan.

Ito ang nakasaad sa Memorandum ni Gov. Amado Espino jr. para sa lahat ng mayores, department at hospital heads, at lahat ng kinauukulan sa lalawigan para bigyang daan ang paggunita sa kapanganakan ng namayapang si Speaker Eugenio Perez.

Ipinanganak si Perez sa bayan ng San Carlos noong November 13, 1896.

Pumasok siya sa politika noong 1926 at nahalal bilang konsehal ng bayan.

Noong 1928 ay nanalo siya bilang congressman ng ikalawang distrito ng Pangasinan.

Noong 1946 ay napabilang siya sa binuong liberal party at napiling house speaker ng first at second congresses.

Matatandaan na noong March 20, 1989 ay inaprubahan ni Pangulong Corazon Aquino ang Republic Act Number 6721 o batas na nagdedeklarang special public holiday sa Pangasinan tuwing November 13 ng kada taon.

Speak Your Mind

*