OWWA Region 1, tumatanggap na ng scholarship applications ng OFW

Tumatanggap na ngayon ang Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) ng aplikasyon ng mga gustong sumailalim sa Skills for Employment Scholarship Program (SESP).

Ayon kay Justin Paul Marvila, ang Labor Communication Officer ng OWWA-Region one, ang SESP ay sa ilalim ng education and training programs ng OWWA.

Mina-market ngayon ng OWWA ang SESP dahil sa semestral break at panahon ng pagpapalit ng curiculum.

Ang mga pwedeng makakuha ng SESP ang mga mismong Overseas Filipino Workers (OFW) o mga dependents nito na nais mag-aral ng vocational courses o short time courses.

Sa panayam ng sonshine radio kay Marvila ay hinikayat nito ang mga nagnanais sumailalim sa scholarship program ng OWWA na pumunta sa Regional Office ng ahensya sa San Fernando City sa lalawigan ng La Union.

Maaari rin aniya na isumite ang aplikasyon sa mga satellite offices ng OWWA sa Pangasinan na matatagpuan sa lungsod ng Dagupan, Urdaneta, Alaminos at sa bayan ng Rosales.

Payo naman ni Marvila sa mga aplikante na dapat ay tiyaking valid ang membership ng OFW sa petsa ng aplikasyon para sa nasabing scholarship program.

Speak Your Mind

*